Ipinahayag kaninang umaga sa Beijing ni Tang Shibao, kagawad ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC na galing sa rehiyong awtonomo ng Guangxi, na dapat patuloy na pasulungin ang kabuhayan ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ng Guangxi.
Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa pagtalakay sa delagasyon ng Guangxi, sinabi ni Tang na ang pag-unlad ng sonang ito ay may kinalaman, hindi lamang sa pag-unlad ng Guangxi sarili, kundi sa pag-unlad ng buong bansa at mga bansa sa paligid nito. Sa proseso ng pagpapasulong ng pag-unlad at pagbubukas ng sonang ito, dapat pabutihin ang sistema ng pagsasaayos ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pabilisin ang pag-ahon ng industriya sa pundasyon ng plataporma ng pangunahing industriyal na sona, palakasin ang imprastruktura at palawakin ang pakikipagtulungan sa ASEAN, Hapon at Timog Korea.
Salin: Ernest
|