Inilahad ngayong araw sa Beijing ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina ang 4 na pokus ng diplomasiya ng bansa sa taong ito.
Ayon kay Yang, ang 4 na pokus ay una, paglilingkod sa paggarantiya sa matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayang Tsino; ikalawa, aktibong pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal; ikatlo, security diplomacy at cultural diplomacy at ikaapat, pagpapasulong ng katatagan ng relasyon sa malalaking bansa, pagpapabuti ng pakikipagkaibigan sa mga kapitbansa, pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga umuunlad na bansa at aktibong paglahok sa paglutas ng mga mainitang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Liu Kai
|