Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na harapin, kasama ng iba't ibang bansa, ang pandaigdig na krisis na pinansyal.
Ang mahalaga sa kasalukuyan ay magkakasamang magsikap ang iba't ibang bansa para mapanumbalik ang kompiyansa, mapalakas ang koordinasyon ng patakaran sa makro-ekonomiya, mapatatag ang pamilihang pinansyal, maisagawa ang reporma sa sistemang pinansyal at sistema ng pamamahala sa pinansya, maitaguyod ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa at maisakatuparan ang Millennium Development Goals.
Salin: Liu Kai
|