• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-07 16:06:07    
Yang Jiechi, inilahad ang patakarang diplomatiko at relasyong panlabas ng Tsina

CRI

Idinaos ngayong araw sa Beijing ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang preskon kung saan sinagot ni ministrong panlabas Yang Jiechi ang mga tanong ng mga mamahayag na Tsino at dayuhan hinggil sa patakarang diplomatiko at relasyong panlabas ng Tsina.

Nilagom ni Yang ang mga mahalagang bunga ng diplomasiya ng Tsina noong isang taon at inilahad niya ang 4 na pokus ng diplomasiya sa taong ito, alalaon baga'y una, paglilingkod sa paggarantiya sa matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayang Tsino; ikalawa, aktibong pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal; ikatlo, security diplomacy at cultural diplomacy at ikaapat, pagpapaunlad ng relasyon sa malalaking bansa, mga kapitbansa at mga umuunlad na bansa at aktibong paglahok sa paglutas ng mga mainitang isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kaugnay ng pandaigdig na krisis na pinansyal, ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na harapin ang krisis at magsikap para mapanumbalik ang kompiyansa, mapalakas ang koordinasyon ng patakaran sa makro-ekonomiya, mapatatag ang pamilihang pinansyal at maisagawa ang reporma sa sistemang pinansyal at sistema ng pamamahala sa pinansya.

Sa aspekto ng relasyong panlabas, ayon kay Yang, walang humpay na pasusulungin ng Tsina ang relasyon nila ng E.U., ibayo pang patatatagin ang relasyon nila ng Rusya at susundin kasama ng Hapon ang kanilang komong palagay sa isyu ng East China Sea.

Ipinahayag niyang walang responsibilidad ang panig Tsino sa mga umiiral na problema sa relasyon nila ng Pransya at umaasa siyang gagawin ng panig Pranses ang direkta at positibong reaksyon sa mga malaking pagkabahala ng Tsina.

Sinabi niyang dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang panig ng Six Party Talks hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula para mapasulong ang pag-uusap na ito sa ikatlong yugto.

Anya pa, ang kooperasyong pang-enerhiya ng Tsina at mga bansang Aprikano ay mutuwal na kapakinabangan at win-win at patuloy na kakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng Aprika.

Nang mabanggit ang relasyon ng Tsina at mga bansang Asyano, sinabi ni Yang na ang relasyong ito ay isang komprehensibong relasyon na hindi limitado sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan. Ipinahayag din niyang ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon ng "ASEAN plus 1" at "ASEAN plus 3", ang pagtatatag ng capital market ng Asya at reserba ng foreign exchange ng "ASEAN plus 3" at ang pag-unlad ng Greater Mekong Subregion.