• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-08 10:54:03    
Wen Jiabao: mga lider, dapat isabalikat ang responsibildad sa harap ng krisis na pinansyal

CRI

Lumahok kahapon si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa pulong ng delegasyon ng Lalawigang Hubei sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan. Tinukoy niyang sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal, ang pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan ay pangunahing tungkulin ng Tsina sa taong ito.

Nanawagan si Wen sa mga lider sa iba't ibang antas na isabalikat ang responsibilidad para mapagtagumpayan ang mga kahirapan at panganib.

Tinalakay din niya, kasama ng mga kinatawan, ang hinggil sa pagpapaahon sa mga industriya, kaligtasan ng pagkaing-butil at iba pang isyu.

Salin: Liu Kai