Isinalaysay kahapon sa Beijing ni Hong Hao, puno ng Kawanihang Tagapagkoordina ng 2010 Shanghai World Expo, na 18 bilyong yuan RMB ang gugol para sa konstruksyon ng imprastruktura ng ekspong ito at 10.6 bilyong yuan naman ang gugol para sa pagtatakbo ng ekspo.
Sinabi ni Hong na sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal, ang pagdaraos ng naturang ekspo ay isang napakabuting pagkakataon para mapasigla ang kabuhayang Tsino at kabuhayang pandaigdig.
Sa isang may kinalamang ulat, ayon kay Zhou Hanmin, pangalawang direktor ng lupong tagapagpaganap ng Shanghai World Expo, hanggang ngayong araw, pormal na tiniyak ng 185 bansa at 46 na organisasyong pandaigdig na lumahok sa ekspong ito at ang dalawang bilang na ito ay naging pinakamalaki sa kasaysayan ng World Expo.
Salin: Liu Kai
|