Sa ulat hinggil sa gawain ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina na binasa ngayong araw sa taunang sesyon ng NPC, sinabi ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng NPC na ang kaligtasan ng pagkain ay may kinalaman sa kalusugan ng mga mamamayan, kaya pinag-uukulan ng NPC at iba't ibang sirkulo ng lipunan ng malaking pansin ang isyung ito.
Ayon kay Wu, sa proseso ng lehislasyon ng Batas sa Kaligtasan ng Pagkain, naganap ang ilang malaking pangyayari ng kaligtasan ng pagkain na gaya ng Sanlu milk powder at bilang tugon sa mga isyung ipinakita sa naturang mga pangyayari, sinusugan pa ng pirmihang lupon ng NPC ang burador ng naturang batas.
Salin: Liu Kai
|