Sa tauang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina sa Beijing, ipinahayag ngayong araw ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng NPC na sa taong ito, patuloy na palalakasin ng NPC ang superbisyon sa paglutas ng mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Napag-alamang sa aspektong ito, ang mga pokus ay kinabibilangan ng pagbuo ng sistema ng social security sa kanayunan, pagpapasulong ng paghahanapbuhay, rekonstruksyon sa nilindol na purok ng Sichuan, pagpapaunlad ng edukasyong bokasyonal at iba pa.
Salin: Liu Kai
|