Magkabilang pampang, dapat itatag ang normal, institusyonalisado at sistematikong relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan
CRI
Sa news briefing ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina, na malaking naapektuhan ng pandaigdig na krisis na pinansyal ang kabuhayan ng Taiwan at umaasa siyang pabibilisin ng magkabilang pampang ang pagtalakay hinggil sa kasunduan sa komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan para itatag ang normal, institusyonalisado at sistematikong kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Binigyang-diin ni Chen na bago marating ng mainland at Taiwan ang naturang kasunduan, hindi itatakda ng mainland ang anumang paunang kondisyon para sa pagluluwas at pag-aangkat ng produktong agrikultural.
Salin: Liu Kai
|
|