Inulit ngayong araw dito sa Beijing ni Jia Qinlin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, na sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal, nakahanda ang mainland na buong sikap na tulungan ang Taiwan sa pagpapahupa ng kahirapang pangkabuhayan.
Sa kanilang paglahok nang araw ring iyon sa talakayan ng mga kinatawan ng NPC ng lalalwigang Taiwan hinggil sa Goverment Working Report, ipinahayag ni Jia na sa kasalukuyang kalagayan, kailangang kailangang magkaisa ang magkabilang pamapang para harapin ang pinansyal na krisis. Anya, ang pinansyal na krisis na sumiklab noong nagdaang taon ay nagdulot ng masamang epekto sa kabuhayan ng magkabilang pampang. Sa masusing sandaling ito, mas mahipit na kinakailangan ang pagtutulungan ng mga kababayan ng 2 pamapang para magkasamang lumipas sa kahirapan.
Hiniling ni Jia sa mga may kinalamang panig na tulungan ang mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Taywanes sa paglutas sa mga isyu sa pagnenegosyo na gaya ng financing at iba pa, katigan silang isagawa ang sariling inobasyon at pagpoprogreso at ibayo pang palakasin ang pangangalaga sa karapta't interes ng pamumuhunan ng mga mangangalakal na Taywanes.
Salin:Jason
|