• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-11 17:10:32    
Tsina, ilalaan ang 3.4 bilyong yuan para mapalakas ang kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Zhang Lijun, pangalawang ministro ng pangangalaga sa kapaligiran ng Tsina, na noong isang taon, malinaw na nabawasan ang pagbuga ng sulfur dioxide at chemical oxygen demand ng Tsina, at sa taong ito, ilalaan ng bansa ang 3.4 bilyong yuan RMB na pondo para mapalakas ang kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Zhang, noong isang taon, bumaba nang 4.4% ang bolyum ng pagbuga ng chemical oxygen demand sa buong Tsina at bumaba naman nang 5.9% ang bolyum ng pagbuga ng sulfur dioxide, bagay na nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsasakatuparan ng Tsina ng target sa pagbabawas ng emisyon mula taong 2006 hanggang 2010.

Salin: Vera