• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-13 11:35:54    
Tsina, magsisikap para mapanatili ang katatagan ng halaga ng RMB

CRI
Sinabi ngayong umaga ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na magsisikap pa ang Tsina para mapanatili ang katatagan ng halaga ng RMB. Binigyang-diin niyang ang nasabing kapasiyahan ay ginawa ng Tsina mismo at hindi ito maaapektuhan ng anumang bansa.

Sa kanyang pagsagot sa tanong ng mga mamamahayag pagkatapos ng seremonya ng pagpipinid ng ikalawang sesyong plenaryo ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, sinabi ni Premyer Wen na sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma sa exchange rate noong Hulyo ng taong 2005, 21% ang naging pagtaas ng halaga ng RMB laban sa dolyares Amerikano. Lalong lalo na, nitong nakaraang taon, dahil sa malaking devaluation ng mga salapi ng Europa at Asya, tumataas ang halaga ng RMB at nagdudulot ito ng presyer sa pagluluwas ng Tsina. Kaya, aniya, hindi totoo ang bali-balitang bumababa ang halaga ng RMB.