Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na magpapairal pa ang Pamahalaang Tsino ng bagong hakbangin bilang tugon sa krisis na pinansyal kung kakailanganin.
Aniya, pinaiiral na ng panig Tsino ang dalawang-taong 4 na trilyong Yuan o mahigit 585 bilyong dolyares na stimulus package na may kinalaman sa pagdaragdag ng laang-gugulin, pagpapasigla at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagbibigay-tulong sa siyensiya't teknolohiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Winika ito ni Premyer Wen sa preskon makaraang ipinid ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC.
|