Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal, dapat subaybayan ang mga pinaka-di-maunlad na bansa. Anya, sa financial summit ng Group of 20, dapat ituring bilang mahalagang paksa ang pagmamalasakit at pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa, lalong lalo na mga pinaka-di-maunlad na bansa.
Isinalaysay din ni Wen na buong sikap na nagbibigay-tulong ang Tsina sa mga pinaka-di-maunlad na bansa sa iba't ibang aspekto na gaya ng pagpapabalewala sa utang ng mga bansang ito at pagsasagawa ng serong taripa sa kanilang mga paninda.
Salin: Liu Kai
|