Sa preskon ngayong araw sa Beijing, sinabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang susi sa pagpapatuloy ng diyalogo ng pamahalaang sentral at ni Dalai Lama ay katapatan ni Dalai para matamo ng diyalogo ang substansyal na bunga.
Sinabi ni Wen na ang Tibet ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina at ang mga isyung may kinalaman sa Tibet ay suliraning panloob ng Tsina na hindi dapat pakialaman ng ibang bansa. Anya pa, konsistente at maliwanag ang patakaran ng pamahalaang sentral kay Dalai at kung itatakwil niya ang mga separatistang aksyon, makikipagdiyalogo ang pamahalaang sentral sa kanyang kinatawan.
Salin: Liu Kai
|