Nagtagpo kahapon sa London sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Nicholas Sarkozy ng Pransya.
Binigyang-diin ni Hu na sa ilalim ng kasalukuyang background ng masalimuot na pandaigdig na kalagayan at lumalalang pandaigdig na krisis na pinansyal, dapat igiit ng Tsina at Pransya ang tamang direksyon ng pag-unlad ng kanilang relasyon, alisin ang mga panggulo at magkasamang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa. Anya pa, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas at kooperasyon sa iba't ibang larangan para sa pag-uugnayan at pagkokoordinahan hinggil sa pagharap sa krisis na pinansyal.
Sinabi naman ni Sarkozy na ipinalalagay niyang may isang Tsina lamang sa daigdig at ang Taiwan at Tibet ay di-maihihiwalay na bahagi ng teriroryo ng Tsina. Ikinagagalak niya ang pagpapanumbalik ng dalawang bansa ng komprehensibong estratehikong partnership at estratehikong diyalogo at umaasa siyang matatag at maharmonyang uunlad ang kanilang bilateral na relasyon sa mga larangan ng pulitika, kabuhayan at diplomasiya.
|