• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-12 08:49:45    
Wen Jiabao, umuwi na

CRI

Natapos kagabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kaniyang pagdalaw sa Thailand at bumalik sa Beijing.

Sa bisperas ng paglisan ng Thailand, nakipagtagpo si Wen Jiabao kina PM Lee Hsien loong ng Singapore, pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at PM Thein Sein  ng Myanmar.

Ayon sa dating itinakdang plano, dumalo si Wen Jiabao sa ika-12 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN, ika-12 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, ika-4 na ASEAN Summit at pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea.

Ipinahayag ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina na bamaga't hindi idinaos ang naturang serye ng pulong sa nakatakdang panahon, pananatilihin pa rin ng panig Tsino ang mahigpit na pag-uugnayan at pagsasanggunian nila ng ASEAN at iba pang may kinalamang bansa at mataimtim na isasakatuparan ang mga kooperatibong plano at hakbangin.

Salin: Li Feng