• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-13 11:37:13    
Tsina, Hapon at T.Korea, palalakasin ang pagtutulungan laban sa pinansyal na krisis

CRI

Binuksan kahapon sa Pusan, Timog Korea ang ika-4 na pulong ng mga kilalang tauhan ng Hilagang Silangang Asya na nilalahukan ng mga estadista, mangangalakal, iskolar at tauhan ng sirkulong kultural ng Tsina, Hapon at T.Korea. Nanawagan ang mga kalahok sa nasabing 3 bansa na palakasin ang pagtutulungang panrehiyon para magkakasamang harapin ang pinansyal na krisis.

Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Qian Qichen, dating pangalawang premyer ng Tsina, na bilang mga mahalagang puwersang nangangalaga sa katatagan ng pinansyang pandaigidg at nagpapasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dapat magtulungan ang Tsina, Hapon at T.Korea, magpalakas ng kompiyansa at patuloy na magsagawa ng lahat ng mga kinakailangang hakbangin para mapigil ang pagkalat ng krisis at mabawasan ang epekto nito sa paglaki ng kabuhayan at katatagan ng pamilihan.

Iminungkahi ni Nakasone Yasuhiro, dating PM ng Hapon, na bubuuin ng mga dalubhasa ng 3 bansa ang isang organo para magkakasamang pag-aralan ang hakbangin laban sa krisis.

Ipinahayag naman ni Lee Hong-Koo, dating PM ng T.Korea, na ang pagtalakay, sa pulong na ito, ng pagtutulungan ng 3 bansa sa harap ng pandaigdig na krisis na pinansyal ay maglalatag ng mabuting pundasyon para sa pag-unlad ng relasyon ng 3 bansa.

Salin: Jason