• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-13 15:31:00    
Tsina, kauna-unahang binalangkas ang pambansang plano sa karapatang pantao

CRI

Isinapubliko ngayong araw ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina ang pambansang plano hinggil sa karapatang pantao mula 2009 hanggang 2010, at ito'y kauna-unahang pagkakataon ng pagbabalangkas ng Tsina ng pambansang plano hinggil sa karapatang pantao. Ang planong ito ay nagpapaliwanag ng mga target sa gawain at aktuwal na hakbangin ng pamahalaang Tsino sa aspekto ng pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa loob ng darating na 2 taon.

Tinukoy ng planong ito na sapul nang itatag ang People's Republic of China, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, nagbibigay ito ng walang humpay na pagsisikap para mapasulong at maigarantiya ang karapatang pantao. Sa loob na darating na 2 taon, isasagawa ng estado ang mabisa at positibong hakbangin para buong sikap na mapanaigan ang negatibong epekto na dulot ng pandaigdigang krisis na pinansiyal at aktuwal na maigarantiya ang karapatan ng buong mamamayang Tsino sa kabuhayan, lipunan at kultura at ibayo pang maigarantiya ang karapatan at kapakanan ng pambansang minoriya, kababaihan, bata, matanda at may-kapansanan.

Salin: Ernest