• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-14 15:50:31    
Pagsasagawa ng pambansang plano sa karapatang pantao, may garantiya

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Wang Chen, puno ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na itinatag ng Tsina ang mekanismo ng magkakasanib na pulong ng pambansang plano ng karapatang pantao, bagay na nakapagbigay ng mabisang garantiya sa pagsasagawa ng planong ito.

Isinapubliko kahapon ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "pambansang plano ng karapatang pantao mula 2009 hanggang 2010", at ito ay kauna-unahang pagkakataon ng pagbabalangkas ng Tsina ng ganitong plano, at malinaw na itinakda ng planong ito ang target at kongkretong hakbangin ng pamahalaang Tsino sa aspekto ng pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa loob ng darating na dalawang taon.

Nang sagutin ang may kinalamang taong ng mga mamamahayag, sinabi ni Wang na ang paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao ay pangunahing responsibilidad ng mga pambansang organo ng pampublikong kapangyarihan. Para rito, itinatag ng Tsina ang nasabing mekanismo.

Salin: Li Feng