• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-08-12 16:16:35    
Kitang piskal ng Tsina, patuloy na lumaki

CRI
Ayon sa pinakahuling estadistika na ipinalabas ngayong araw ng Ministri ng Pinansyo ng Tsina, noong nakaraang buwan, ang kabuuang halaga ng kitang piskal ng buong bansa ay umabot sa halos 669.6 bilyong yuan RMB na lumaki ng 10% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

Ipinahayag ng naturang ministri na noong unang 7 buwan ng taong ito, ang gugol na piskal ng Tsina ay nagamit, pangunahin na, sa suliranin ng agrikultura, panggugubat at patubig, pangangalaga sa kapaligiran, komunikasyon at transportasyon, serbisyong medikal at pangkalusugan, siyensiya at teknolohiya, suliranin ng kapitbahayan sa mga lunsod at nayon, social security, paghahanapbuhay, edukasyon at iba pang larangan.

Salin:Sarah