• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-26 12:45:19    
Rogge, pinapurihan ang napakalaking bungang natamo ng Tsina

CRI

Sinabi kamakalawa sa Olympia ni Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee, IOC na nitong ilang taong nakalipas, kapansin-pansin ang progresong natamo ng Tsina sa iba't ibang larangan at pagkaraang bigyan ang Beijing ng awtorisasyon sa paghohost ng 2008 Olympic Games, natamo rin ng Tsina ang maraming progreso sa pagsupil sa polusyon at iba pang aspekto.

Binigyang-diin ni Rogge na ang IOC ay hindi isang organisasyong pulitikal o militar at ang tungkulin nito ay pagdaraos ng isang mabuting Olimpiyada para sa lahat ng mga manlalaro. Anya pa, dapat sundin ng mga kalahok na manlalaro sa Olimpiyada ang mga tadhana ng "Karta ng Olimpiyada".

Salin: Sissi