Ipinahayag kahapon sa Geneva ni Ban Ki-moon, pangkalahatang kalihim ng UN na dapat ihiwalay ang pulitika at Olimpiyada.
Sinabi ni Ban na hindi dapat iugnay sa pulitika ang mga aktibidad na pampalakasan na gaya ng Olimpiyada at ang Olimpiyada ay dapat maging lugar ng komunidad ng daigdig para sa pantay-pantay na kompetisyon, pagbabahagi ng harmonya, pagbubuklod at pagkakaunawa sa isa't isa.
Nagpahayag din si Ban ng kanyang kalungkutan at kondenasyon sa mga aksyon ng panggugulo sa Beijing Olympic torch relay.
Salin: Sissi
|