Ayon sa ulat ngayong araw ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ipinahayag kamakailan ni Lee Kuan Yew, Senior Minister ng Singapore na nitong 30 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo ng Tsina ang positibong progreso sa pulitika, kabuhayan at lipunan at walang tigil na lumalakas ang impluwensiya nito sa daigdig.
Sinabi ni Lee na dahil sa konstruksyon ng isang pangkat ng imprastruktura na gaya ng Qinghai-Tibet Railway, naganap ang napakalaking pagbabago sa Tsina at ito ay isa sa mga kapansin-pansing tagumpay na natamo ng Tsina sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas. Anya, paglipas pa ng ilang dekada, ang Tsina ay magiging isang modernisadong bansa.
salin:wle
|