• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-23 09:24:26    
Pulong ng mga ministrong panlabas ng "10+3", idinaos

CRI
Idinaos kahapon sa Singapore ang isang araw na pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10+3" at di-pormal na pagsasanggunian ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya.

Pinakinggan ng mga kalahok ang pagsasalaysay ng kalagayan ng hidwaang panghanggahan ng Cambodia at Thailand at nanawagan sila sa dalawang panig na isagawa ang pinakamamalaking pagtitimpi at lutasin ang hidwaang ito sa mapayapang paraan. Tinalakay din sa pulong ang malubhang hamong dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng pagkaing-butil at langis at pagbabago ng klima. Nanawagan ang mga kalahok na palakasin ang pagbabahagi ng impormasyon sa rehiyon at nagpahayag ng pagtanggap sa natamong progreso ng mga kalahok na bansa sa Summit ng Silangang Asya sa aspekto ng enerhiya.

Inulit ng mga kalahok ang pagkatig sa Six Party Talks at pagtanggap sa pag-aanyaya ng pamahalaan ng Myanmar sa espesyal na sugo ng UN para sa muling pagdalaw. Ipinahayag din nila ang pakikiramay sa malaking kasuwalti sa lindol sa Sichuan ng Tsina at bagyo sa Myanmar at pag-asang magtatagumpay ang Beijing Olympic Games.

Itinatag pa sa pulong ang pondo ng kooperasyon ng "10+3" na may 3 milyong Dolyares sa unang yugto.

Sa kaniyang pagdalo sa mga pulong na ito, ipinahayag ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kooperasyon ng "10+3". Inilahad pa niya ang paninindigan at patakaran ng Tsina sa seguridad ng enerhiya, pagbabago ng klima at iba pa.

Salin: Ernest