• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-24 11:18:19    
Mga ministrong panlabas mula sa Asean, magkakahiwalay na nakipagdiyalogo sa mga katuwang

CRI
Sa magkakahiwalay na okasyon sa Singapore, nagpulong ang mga ministrong panlabas ng ASEAN at ang kanilang mga pangunahing dialogue partner.

Ayon sa salaysay ni Andrew Tan, Tagapagsalita ng pulong, tinalakay ng mga bansang ASEAN at kanilang pangunahing katuwang sa kalakalan at pamumuhunan na gaya ng Estados Unidos, EU, Tsina at Hapon ang hinggil sa isyu ng bilateral na kalakalan at tinalakay naman nila ng Australia, New Zealand, Tsina, Indya at Timog Korea ang hinggil sa proseso ng talastasan sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan. Ang kanilang tinalakay na paksa ay may kinalaman din sa pagbibigay-dagak sa terorismo, pagpapalakas ng kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima at iba pang isyu. Pinasalamatan naman ng ASEAN ang mga partner sa kanilang pagkatig sa pagganap ng pangunahing papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon at gayundin sa kanilang pagpapasulong ng integrasyon ng Asean.

Sa pulong ng ministrong panlabas ng ASEAN at Tsina, binigyan-diin ni Yang Jiechi, kalahok na Ministrong Panlabas ng Tsina na dapat palakasin ng magkabilang panig ang kanilang pagkakaisa at kooperasyon para magkasamang harapin ang hamong pandaigdig .

salin:wle