• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-07-29 15:51:25    
Ban Ki-moon, nanawagan para sa Olympic Truce

CRI

Sa panahon ng paglapit ng Beijing Olympic Games, nagpalabas kahapon ng pahayag si Ban Ki-moon, pangkalahatang Kalihim ng UN, na nanawagan sa buong daigdig na isagawa ang Olympic Truce at ihinto ng mga may kinalamang panig ang mga ostilong aksyon sa panahon ng Olimpiyada.

Ipinahayag ni Ban na sa pamamagitan ng tigil-putukan, muling isasaalang-alang ng mga nagsasagupaang panig ang malaking kapinsalaang dulot ng digmaan, lilikhain ang kondisyon para sa diyalogo ng iba't ibang panig at makakabuti sa pagkakaloob ng tulong sa mga tao sa mga nagsasagupaang rehiyon. Anya pa, pinatutunayan ng Olympic Truce sa buong daigdig na kung igagalang ng mga nagsasagupaag panig ang isa't isa, maisasakatuparan ang kapayapaan kahit sa harap ng sagupaang pinakamahirap na malutas.

Salin: Andrea