Ipinahayag kamakailan ni Mari Pangestu, ministro ng kalakalan ng Indonesya, na dahil sa kasalukuyang kaligaligang pinansyal sa E.U. at mga bansang Europeo, nakahanda ang pamahalaang Indones na halinhan ng pamilihang Tsino ang pamilihang Amerikano at Europeo.
Sinabi ni Pangestu na sa panahong matumal ang pamilihan ng E.U., Hapon at mga bansang Europeo, mabilis pang umuunlad ang kabuhayang Tsino, kaya ito ay isang pagkakataon sa kanyang bansa. Sinabi rin niyang dapat isaayos ng Indonesya ang uri ng mga produktong iniluluwas at pataasin ang kalidad ng mga ito para makatanggap ang pamilihang Tsino ng mas maraming produkto ng Indonesya.
Salin: Liu Kai
|