Ipinatalastas kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na inaalis ang Hilagang Korea mula sa umano'y listahang "bansang kumakatig sa terorismo", pagkaraang nito, magkasunod na nagpahayag ang Timog Korea at Hapon ng kanilang posisyon hinggil dito.
Ipinahayag ni Kim Sook, puno ng delegasyong Timog Koreano sa Six-Party Talks hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, na winiwelkam ng kaniyang bansa ang naturang kapasiyahan ng Estados Unidos, at ipinalalagay niyang ito ay magiging isang pagkakataon sa pagpapanumbalik ng Six-Party Talks at pagpapasulong ng pagtatakwil ng Hilagang Korea ng planong nuklear.
Nang araw ring iyon, kaugnay ng naturang kapasiyahan ng Estados Unidos, sinabi ni Hirofumi Nakasone, ministrong panlabas ng Hapon, na para maisakatuparan ang target ng walang-nuklear na Korean Peninsula, patuloy na makikipagtulungan ang kaniyang bansa sa mga may kinalamang bansa.
Salin: Li Feng
|