• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-06 14:52:24    
Thailand: 367 patay sa aksidenteng trapiko sa panahon ng bagong taon

CRI
Napag-alamang mula ika-30 ng nagdaang Disyembre hanggang kahapon na itinuring na 7-araw na peak season ng bagong taon, 367 mamamayang Thai ang namatay sa aksidenteng trapiko.

Winika ito ni Chawarat Charnvirakul, Ministro ng Suliraning Panloob ng Thailand, sa isang preskon ngayong araw.

Aniya, nitong nagdaang pitong araw, dahil sa peak season ng pag-uwi sa lupang-tinubuan at pagbabakasyon, dumami ang aksidenteng trapiko sa buong bansa. Aniya pa, nitong 7 araw na nakalipas, may naganap na 3824 aksidenteng trapiko sa buong Thailand na ikinamatay ng 367 katao at ikinasugat ng 4107 iba pa at ang pangunahing dahilan ng mga ito ay ang kalasingan.