Ipinahayag kahapon ni Timothy F. Geithner, Kalihim ng Tesorarya ng Estados Unidos, na dahan-dahan ang proseso ng pagpapanumbalik ang kabuhayan ng kanyang bansa.
Nang kapanayamin siya nang araw ring iyon ng National Broadcasting Corporation o NBC, sinabi ni Geither na ayon sa pagtaya ng karamihang dalubhasang pangkabuhayan, ang kabuhayang Amerikano ay bababa sa pinakamababang lebel sa katapusan ng taong ito. Sa kasalukuyan, kahit ipinakikita ng mga datos na pangkabuhayan na humihina ang tunguhin ng resesyon ng kabuhayan, nananatili pa ring dahan ang proseso ng pagpapanumbalik ang kabuhayan nito at magiging mahirap ang prosesong ito.
Salin: Ernest
|