• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-01 11:25:05    
Komunidad ng daigdig, umaasang matatamo ang bunga ng summit ng G20

CRI

Bago buksan ang summit na pinansiyal sa London, magkakasunod na ipinahayag kahapon ng ilang lider ng dayuhang bansa at pandaigdig na organisasyon na umaasang matatamo ang bunga ng summit na ito para magbigay ng ambag sa pagpapahupa ng krisis na pinansiyal at pagtatatag ng makatarungan at makatwirang pandaigdig na sistemang pinansiyal.

Bumigkas sa London si Gordon Brown, Punong Ministro ng Britanya, ng talumpati na nagsasabing ang summit na ito ay tiyak na makapagbibigay ng kompiyansa sa kabuhayang pandaigdig at bagong pag-asa sa mga mamamayan ng buong daigdig.

Nanawagan sa Brussels si José Manuel Barroso, Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo, sa G20 na patingkarin ng International Monetary Fund o IMF ang mas malaking papel at ipagpatuloy ang Doha Round Talks ng World Trade Organization o WTO para mapasulong ang pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon.

Sinabi sa Geneva ni Pascal Lamy, Director-General ng WTO, na dapat i-ulit ng mga lider ng G20 ang paninindigan ng pagtutol sa protectionism.

Salin: Ernest