• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-10 16:55:43    
E.U.: pakikipagdiyalogo sa Iran, walang paunang kondisyon

CRI
Ipinahayag kahapon ni Robert Wood, pangalawang tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unitos, na ipinahayag ng kanyang bansa ang pagkabalisa sa patuloy na pagsasagawa ng Iran ng aktibidad na nuklear, ngunit hindi ilalagay ng E.U. ang paunang kondisyon sa pakikipagdiyalogo sa Iran. Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Iran na nakahandang patuloy na makipagdiyalogo sa mga bansang kanluranin.

Ipinahayag din ni Wood na nanawagan ang E.U. sa Iran na itigil ang uranium enrichment at iba pang may kinalamang aktibidad at umaasang matatamo ang substansyal at positibong progreso sa paglutas ng isyung nuklear ng Iran at iba pa. Ipinalalagay niyang kung maisasakatuparan ang diyalogo ng 2 bansa o hindi ay depende sa atityud ng Iran.

salin:wle