• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 10:32:57    
Serye ng ASEAN Summit, sinimulan sa Thailand

CRI
Sinimulan kagabi sa Pattaya, Thailand ang 3-araw na serye ng ASEAN Summit.

Inihandog ni punong ministro Abhisit Vejjajiva ng Thailand ang bangkete bilang panalubong sa mga lider ng iba't ibang bansa at kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig na kalahok sa summit.

Pagkatapos, sinabi sa medya ni pangkalahatang kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN na sa bangketeng ito, ipinalalagay ng ilang kalahok na lider na ang kasalukuyang summit ay isang mahalagang rehiyonal na pulong pagkatapos ng London Financial Summit ng Group of 20 at umaasa ang iba't ibang bansa na magpapatingkad ang mga organisasyong rehiyonal ng mas malaking papel sa pagpapasigla ng kalakalang panrehiyon sa Silangang Asya at pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal.

Ang tema ng kasalukuyang serye ng summit ay "magkakasamang pagharap sa mga hamong pandaigdig" at tatalakayin dito, pangunahin na, ang pagpapalawak ng Chiang Mai Initiative hinggil sa kooperasyong pinansyal ng rehiyon at pagtatakwil ng proteksyonismong pangkalakalan.

Salin: Liu Kai