• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 10:41:44    
Surin: mga organisasyong rehiyonal, gaganap ng mas malaking papel sa pagharap sa krisis

CRI
Sinabi kagabi sa Pattaya ni pangkalahatang kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN na ipinalalagay ng ilang kalahok na lider sa serye ng ASEAN Summit na dapat magpatingkad ng mas malaking papel ang mga organisasyong rehiyonal sa aspekto ng pagharap sa krisis na pinansyal at iba pa.

Sinabi ni Surin na ipinalalagay ng ilang lider na ang kasalukuyang summit ay isang mahalagang rehiyonal na pulong pagkatapos ng London Financial Summit ng Group of 20 at umaasa ang iba't ibang bansa na magpapatingkad ang mga organisasyong rehiyonal ng mas malaking papel sa pagpapasigla ng kalakalang panrehiyon sa Silangang Asya at pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal.

Sinabi rin ni Surin na inilahad ng mga lider ang kani-kanilang palagay sa kalagayan ng Korean Peninsula at ipinalalagay nilang ang tensyon sa anumang lugar ng Silangang Asya ay hindi magdudulot ng negatibong epekto sa kasalukuyang summit at integrasyon ng Silangang Asya.

Salin: Liu Kai