• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 18:11:12    
Hapon, ipinalabas ang malawakang plano ng pagpapasigla sa kabuhayan

CRI
Opisyal na ipinalabas kahapon ng pamahalaan ng Hapon ang plano ng pagpapasigla sa kabuhayan na nagkakahalaga ng 15.4 trilyong Japanese Yen o 154 na bilyong Dolyares.

Sinabi ni Taro Aso, punong ministro ng Hapon, na ang naturang plano ay naglalayong isagawa ang hakbanging pangkabuhayan sa mga larangan ng empleyo, pinansyo, kapaligiran, rehiyonal na kaunlaran at iba pa para makahulagpos sa tunguhin ng ibayo pang resesyon ng kabuhayan at itakda ang sustenableng estratehiya ng pagpapaunlad ng kabuhayan sa intermediate at long-term.

Ipinalalagay ng pamahalaan ng Hapon na may pag-asa ang naturang plano na patataasin ng 2% ang GDP ng Hapon sa taong ito. Ngunit, para isagawa ang naturang plano, ipapalabas ng Hapon ang 10 hanggang 11 triliyong Yen na national bonds at dahil dito, kahaharapin ng pamahalaan ang malaking presyur sa aspekto ng budget.

Salin:Sarah