• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-12 14:42:30    
Burador na pahayag ng tagapangulo hinggil sa paglulunsad ng H.Korea, positibong kompromiso

CRI

Pagkaraan ng di-pormal na pagsasanggunian kahapon ng limang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council at Hapon, at nagkaroon sila ng komong palagay hinggil sa nilalaman ng burador na pahayag ng tagapangulo ng UNSC hinggil sa aksiyon ng paglulunsad ng Hilagang Korea, at idaraos ang pulong ng UNSC para talakayin at pagtibayin ang naturang pahayag ng tagapangulo.

Sinabi nang araw ring iyon ni Claude?Heller, kasalukuyang tagapangulo ng UNSC sa buwang ito at pirmihang kinatawan ng Mexico sa UN, na isinumite nang araw ring iyon ni Susan Rice, pirmihang kinatawang Amerikano sa UN, ang burador na pahayag ng tagapangulo hinggil sa aksiyon ng paglulunsad ng Hilagang Korea sa UN Security Council, at ipinalalagay niya na ang burador na ito ay isang "positibong kompromiso", ito ring mainam na pundasyon para sa pagkakaroon ng UNSC ng komong palagay at pagsasagawa ng nagkakaisang aksiyon.

Nang kapanayamin nang araw ring iyon ng mass media sa New York, punong himpilan ng UN, sinabi ni Zhang Yesui, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, na ang reaksyon ng UNSC hinggil sa isyu ng paglulunsad ng Hilagang Korea, ay dapat makatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at rehiyon ng Hilagang Silangang Asya at makatulong sa pagpapasulong ng proseso ng Six-Party Talks.

Salin: Li Feng