• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-12 18:07:27    
Hari ng Jordan: dapat muling panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan sa Gitnang Silangang sa lalo madaling panahon

CRI
Hinimok kahapon ni Abdullah bin Abdul-Azizi, hari ng Jordan, ang mga bansang Arabe na koordinahin ang paninindigan at batay sa "plano ng dalawang estado", muling panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan nila ng bagong pamahalaang Israeli sa lalo madaling panahon.

Winika ito ni Abdullah sa kanyang pakikipagtagpo nang araw ring iyon sa mga ministrong panlabas ng 6 na bansang Arabe at kay Amr Moussa, pangkalahatang kalihim ng League?of?Arab?States (LAS). At si Moussa ay nakipagtagpo nang araw rin iyon sa mga ministrong panlabas ng Saudi Arabia, Ehipto, Palestinian Authority, Lebanon, Qatar at Jordan para talakayin ang hinggil sa kung papaanong haharapin ang pag-unlad ng kalagayan ng Gitnang Silangan pagkatapos ng pagtatatag ng bagong pamahalaang Israeli.

Sinabi ni Abdullah na ang panahon ay masusing elemento para sa muling pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan sa Gitnang Silangan, at batay sa "plano ng dalawang estado", ang Palestina at Israel ay dapat muling panumbalikin ang talastasang substansiyal na kinabibilangan ng kongkretong plano ng aksyon ayon sa kinauukulang resolusyon ng UN at mungkahing pangkapayapaan ng Arabe, para malutas ang sagupaan ng Palestina at Israel at itatag ang estadong Palestino at maisakatuparan ang komprehensibo, makatarungang kapayapaan sa rehiyong ito.

Salin:Sarah