• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-13 09:33:58    
Mga demonstrador at sundalo, nagsagupaan sa Bangkok

CRI

Nagsagupaan ngayong madaling madaling araw sa Bangkok ang halos 300 kontra-gobyernong demonstrador at 200 sundalo ng Thailand na ikinasugat ng di-kukulangin sa 20 tao. Ito ang unang direktang sagupaan ng mga demonstrador at sundalo sapul nang ipatalastas kahapon ang emergency state sa Bangkok at mga lugar nasa paligid.

Ayon pa sa ulat, ngayong madaling araw, inihagis ang mga bomba sa Kataas-taasang Hukuman ng Thailand. Sinira ng pagsabog ang ilang arkitektura ng hukuman, ngunit hindi idinulot ang kasuwalti ng tao.

Bumigkas ng talumpati sa telebisyon kagabi si PM Abhisit Vejjajiva ng Thailand at umaasa siyang makikipagkoordina ang mga mamamayan sa pamahalaan sa pagsasagawa ng emergency state at pagpapatatag ng kalagayan. Anya pa, ipinalabas na ng hukuman ng Pattaya ang arrest warrant sa 5 tagasuporta ng United Front for Democracy against Dictatorship o UDD na namuno sa pang-aatake sa lugar na pinagdarausan ng serye ng Summit ng Silangang Asya na kinabibilangan ni Arismun Pongruengrong, lider ng UDD na dinakip na ng panig pulisya.

Salin: Jason