Sa Astana, Republika ng Kazakhstan—Nag-usap dito kahapon sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nursultan Abishuly Nazarbayev ng Kazakhstan. Nilagom ng dalawang lider ang pag-unlad ng relasyong Sino-Kazakhstani, komprehensibong binalak ang kanilang kooperasyon sa hinaharap, at narating ang malawakang komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Kapuwa ipinalalagay ng mga pangulo na ang buong tatag na pagkatig sa isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala ay esensiya ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Kazakhstan. Patuloy na pananatilihin ng magkabilang panig ang mahigpit na pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga mahahalagang isyu.
Binigyang-diin din nilang may pagkokomplemento, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ang kooperasyon ng dalawang bansa sa enerhiya. Napakalaki ng nakatagong lakas ng kanilang kooperasyon sa mas malawakang larangan. Dapat anilang pabutihin ang estruktura ng bilateral na kalakalan, at pasulungin ang pagkakaiba-iba ng kalakalan, batay sa sarili nilang estratehiyang pangkaunlaran.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang lumagda ang dalawang lider sa "Magkasanib na Deklarasyon ng Tsina at Kazakhstan hinggil sa Ibayo Pang Pagpapalalim ng Komprehensibo't Estratehikong Partnership."
Salin: Vera