Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hinimok ang Amerika na magtimpi sa isyu ng SCS

(GMT+08:00) 2015-05-25 17:55:39       CRI

Sa isang regular na preskon ngayong araw, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Estados Unidos ay hindi may-kinalamang bansa sa isyu ng South China Sea (SCS). Dapat aniyang magtimpi ang Amerika sa pananalita at aksyon nito sa isyung ito sa halip ng paglilikha ng kaguluhan.

Ipinahayag kamakailan ni Daniel Russel, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang aksyon ng Tsina sa SCS ay humahamon sa prinsipyo ng pantay na paglutas sa hidwaan at kalayaan ng paglalayag. Kailangan aniyang ipagtanggol ng Hukbong Pandagat ng Amerika ang naturang prinsipyo.

Kaugnay nito, sinabi ni Hua na nitong mahabang panahong nakalipas, walang anumang problema ang iba't-ibang bansa sa pagkakaroon ng kalayaan ng paglalayag at paglilipad sa SCS alinsunod sa pandaigdigang batas. Aniya, sa mula't mula pa'y pinahahalagahan at pinangangalaan ng Tsina ang kalayaan at seguridad ng paglalayag at paglilipad sa SCS. Ngunit, ang kalayaan ng paglalayag at paglilipad ay hindi nangangahulugang puwedeng labagin ng mga dayuhang bapor at eroplanong militar ang pandaigdigang batas.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>