|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
300 grams ng celery
100 grams ng buto ng kasoy
50 grams ng lily bulbs
Seasoning
20 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
5 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
1. Hugasan ang celery at lily bulbs. Piliin yung medyo maliliit na lily bulbs. Gayatin ang celery nang pahilis sa sukat na mga 1.5 centimeters.
2. Ibuhos ang mantika sa kawali tapos, pag mainit na, ihulog ang sibuyas at igisa bago ihulog ang buto ng kasoy. Alisin ang buto ng kasoy pag kulay light brown na.
3. Ilagay ang celery sa kawali at igisa nang konte tapos ihulog ang lily bulbs at buto ng kasoy. Ituloy ang paggisa at siguruhin na pantay ang pagkakagisa.
4. Ilagay ang asin, asukal at mixture of cornstarch and water tapos ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang minuto. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |