|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 pork leg, tumitimbang ng mga 1 kilogram
125 grams ng dried bean curd twists
1/2 tasa ng mantika
3-4 na cloves ng bawang, tinadtad nang pino
1 kutsara ng salted soya beans o tausi, niligis nang kaunti
2 gayat ng sariwang luya
4 na dried black mushrooms, ibinabad at itinabi ang pinagbabaran
1 punong kutsara ng fermented red bean curd
2 kutsara ng malabnaw na soya sauce
2 kutsara ng malapot na soya sauce
Paraan ng Pagluluto
Punasan ang pork leg at itabi muna. Punasan din ang bean curd twists ng telang pamunas at guntingin sa habang 5 centimeters. Mag-init ng mantika sa kawali tapos paunti-unting iprito ang mga ginupit na piraso hanggang sa umalsa at maging golden brown ang kulay. Itabi muna.
Ibuhos sa kawali ang lahat ng mga natitirang mantika pero magtira ng isang kutsara tapos, sa mahinang apoy, igisa ang bawang hanggang maging golden brown. Isama ang salted soya beans at ituloy ang paghahalo sa loob ng isang minuto. Idagdag ang pork leg, luya, mushrooms at fermented red bean curd at haluhaluin sa loob ng 5 minuto. Siguruhin na pantay ang pagkakagisa. Isalin ang lahat ng mga sangkap sa isang kaserola na sapat ang laki para magkasya ang pork leg. Idagdag ang dalawang uri ng soya sauce at iyong pinagbabaran ng mushrooms at lagyan ng tubig na may sapat na dami paralumubog ang buong pork leg. Takpan at ilaga hanggang sa lumambot ang baboy.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |