|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 kutsarita ng cooking oil
1 clove ng bawang, dinikdik
Humigit-kumulang 5 gramo ng buto ng baboy o buto, ulo o paa ng manok o ulo at tinik ng isda
2 gayat ng luya
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat
2 tangkay ng local celery na may dahon o isang malaking celery
8 butil ng pamintang buo
1/4 na kutsarita ng vetsin
Asin ayon sa panlasa
4-6 na tasa ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Mag-init ng mantika sa kawali. Igisa ang bawang hanggang magkulay brown. Alisin ang bawang tapos idagdag ang lahat ng mga iba pang sangkap. Ilago sa loob ng 1 oras. Salain pagkaraan.
Sa pagsisilbi ng simple soup bilang bahagi ng Chinese meal, lagyan ang sabaw ng kaunting talbos na tulad ng lettuce, spinach, silver beet, watercress, mustard greens, Chinese cabbage o ginayat na lotus root. Budburan ng tinadtad na spring onion o coriander leaf.
Isilbi pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |