|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap at gamit
4 na berdeng mansanas, tinalupan
Mantika
Bowl ng tubig na may yelo
Serving platter na pinahiran ng mantika
Para sa Batter
1 tasa ng plain na harina
1 itlog
3/4 na tasa ng tubig
Para sa Syrup
3/4 na tasa ng asukal
3 kutsara ng peanut oil
1 kutsarita ng sesame oil
3 kutsara ng tubig
2 kutsara ng sesame seek
Paraan ng Pagluluto
Ihanda ang batter sa pamamagitan ng pagsasala sa harina sa isang bowl at unti-unting pagdaragdag ng itlog at tubig para sa "smooth consistency." Itabi muna pagkatapos.
Pagsama-samahin ang asukal, mani, sesame oil at tubig sa isang kaserola. Pakuluin hanggang uminit nang husto at maging syrup. Idagdag ang sesame oil at panatilihing mainit ang syrup.
Maglagay ng mantika sa kawali at habang iniit ito, hiwain ang mansanas sa walong piraso. Ilagay din ang syrup, bowl na may lamang tubig na may yelo at serving platter sa lugar na madaling maabot. Isawsaw ang ilang piraso ng mansanas sa batter at iprito sa maraming mantika sa loob ng 1-2 minuto hanggang maging golden ang kulay. Hanguin at patuluin nang ilang segundo tapos isawsaw sa syrup at patagalin nang kaunti hanggang kumintab. Ilubog agad sa tubig na may yelo para iyong syrup ay maging toffee-like coating at ilagay sa pinahiran ng mantikang serving platter. Ulitin ang prusidyur hanggang sa malutong lahat ang mansanas at isilbi kaagad pagkalutung-pagkaluto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |