|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 tasa ng pinatuyong soya beans
6 na tasa ng tubig
4 na kutsara ng asukal, o mahigit pa depende sa panlasa
2 dahon ng pandan (optional)
Ilang patak ng almond essence
Paraan ng Pagluluto
Ibabad magdamag ang soya beans sa malamig na tubig. Hanguin, patuluin at banlawang mabuti. Gilingin nang pinung-pino gamit ang blender o food processor o durugin (nang pinung-pino rin) gamit ang almires. Kung machine ang gagamitin, maaring kailanganing magdagdag ng kaunting tubig sa pagigiling.
Ilagay ang giniling o dinurog na beans sa isang malaking bowl. Pakuluan ang asukal at dahon ng pandan bago dahan-dahang ibuhos sa giniling na beans tapos ibuhos ang lahat ng iyan sa kaserola at pakuluin. Halu-haluin habang pinakukulo. Pagkaraan niyan, gamit ang salaan, isalin ang tubig sa kaserola at pakuluing muli. Alisin sa apoy at hayaang lumamig. Idagdag ang almond essence at isilbi pag malamig na malamig na.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |