|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
2 buhay o lutong alimango
3 kutsarang breadcrumbs
1 dried black mushroom,ibinabad at hinimay
1 spring onion, tinadtad nang pino
1 kutsara ng tinadtad-nang-pinong celery
½ kutsaritang asin
White pepper
Ilang patak ng sesame oil
1 itlog, binati nang kaunti
1 kutsaritang harina
Mantika para sa pagpiprito
Paraan ng Pagluluto
Note: Iyong breadcrumbs, mushrooms, spring onion, celery, asin at white pepper ay para sa seasoning.
Kung buhay na alimango ang gagamitin, pakuluan ito sa maraming tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, dahan-dahang tanggalin ang shell sa likod tapos itabi muna.
Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, paa at sipit ng alimango. Huwag isasama iyong mga bony tissue. Pira-pirasuhin nang manipis ang crab meat tapos haluan ng seasoning at itlog.
Hati-hatiin ang mixture tapos ipalaman sa crab shells. Budburan ang ibabaw ng kaunting harina. Mag-init ng maraming mantika sa kawali at iprito ang stuffed crabs sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang maging golden brown.
Sa pagpiprito, dapat iyong parteng may harina ang nasa ilalim.
Pagkaprito, puwede na ninyong i-serve. Samahan ng chilli sauce sa pagse-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |