|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
30 grams ng karne ng baboy, shredded o hiniwa nang makitid at pahaba
30 grams ng chicken breast, shredded
2 kutsarita ng peanut oil
2 kutsara ng cloud ear fungus, ibinabad
4 na malaking black mushrooms, ibinabad at hiniwa nang makitid at pahaba
100 grams ng malambot na bean curd, hiniwa nang pa-cube
3 tasa ng sabaw ng manok
1 kutsarita ng malabnaw na soy sauce
1 kutsarita ng Chinese rice wine
1 kutsarita ng sesame oil
2-3 kutsarita ng malt vinegar
1/2 kutsarita ng chilli oil (optional)
Asin
1 kutsara ng cornflour, hinalo sa 1/4 na tasa ng tubig
1 itlog, binati nang kaunti
Puting paminta
Spring onion, tinadtad nang pino
Paraan ng Pagluluto
Sa mahinang apoy, iprito ang karne ng baboy at ang chicken breast sa peanut oil hanggang sa magbago ang kulay. Idagdag ang ibinabad at pinatulong fungus at mushrooms at haluin. Ilagay ang bean curd at sabaw ng manok. Ilaga sa loob ng 10 minuto. Idagdag ang lahat ng mga seasoning liban sa paminta at ilaga sa loob ng 3 minuto. Palaputin sa pamamagitan ng mixture of cornflour and water.
Bago isilbi, ihalo ang binating itlog at budburan ng puting paminta. Ilagay din ang tinadtad na spring onion bilang garnish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |