|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
200 grams ng lean pork
Para sa Seasoning
20 grams ng vegetable oil
200 grams ng shredded shallot
50 grams ng sweet fermented flour paste
5 grams ng asin
10 grams ng cooking wine
20 grams ng asukal
1 itlog
20 grams ng flour
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Tadtarin ang shallot tapos ilagay sa isang plato. Tanggalin ang puti ng itlog. Hiwa-hiwain at tadtarin ang karne tapos lagyan ng cooking wine, puti ng itlog at flour. Siguruhin na malalagyan lahat ang hiniwang karne.
Initin ang mantika sa kawali at iprito ang mga piraso ng karne sa katamtamang apoy.
Magsalang ng isa pang kawali tapos ilagay ang sweet fermented flour paste, asin, asukal at mixture of cornstarch and water tapos initin sa mahinang apoy hanggang sa matunaw ang asukal at lumapot ang sauce. Ilagay ang mga piniritong piraso ng karne at halu-haluin para malagyan ng sauce ang lahat ng mga piraso. Isalin sa isang serving plate at ibudbod sa ibabaw ang tinadtad na shallot bilang garnish.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |