|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
300 grams ng sariwang winter melon
20-30 grams ng dried shrimps o hibi
Berdeng sibuyas, tinadtad
2 malaking putol ng luya, tinadtad
Paminta
Asin
Paraan ng Pagluluto
Talupan ang winter melon tapos hugasan at hiwain nang pahaba at makapal at ilagay muna sa isang plato.
Hugasan ang hibi at ibabad sa bowl ng tubig sa loob ng 2 minuto. Patuluin at itabi muna.
Initin ang mantika sa kawali. Itagi-tagilid ang kawali para kumalat ang mantika hanggang sa gilid ng kawali. Igisa ang green onion at luya sa loob ng 20 segundo hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang ibinabad na dried shrimps at ginayat na winter melon at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 2 minuto. Idagdag ang asin at paminta at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 20 segundo hanggang sa mag-evaporate ang tubig. Patayin ang apoy tapos lagyan ng chicken essence at haluing mabuti. Isalin sa isang porcelain plate at isilbi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |